18,056 BAGONG KASO NG COVID-19

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ng 18,056 bagong kaso ng sakit sa bansa araw ng Martes.

Base sa case bulletin no. 549 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 2,266,066 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 14, 2021.

Sa naturang kabuuang kaso naman, 7.8% pa o 177,670 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.

Kabilang sa active cases, ang 85.8% na mild, 9.5% na asymptomatic, 2.66% na moderate, 1.4% na severe at 0.6% na critical.

Mayroon namang 20,542 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman.

Sanhi nito, umaabot na sa 2,052,867 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 90.6% ng total cases.

Samantala, mayroon pang 222 pasyente ang nasawi kaya ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.57% ng total cases.

Kaugnay nito, iniulat din ng DOH, na mayroon pa ring 61 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 54 recoveries.

Mayroon ding 92 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez

One thought on “18,056 BAGONG KASO NG COVID-19”

  1. 549524 154600Its like you read my mind! You appear to know so considerably about this, like you wrote the book in it or something. I feel which you can do with some pics to drive the message home a bit, but rather of that, this really is wonderful blog. A great read. Ill surely be back. 13411

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *