PUMALO na sa 180,000 ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ay ayon mismo sa Department of Labor and Employment (DOLE) na natukoy na ang kabuuang bilang ng mga displaced worker dahil sa pandemyang kinahaharap ng bansa.
Sinabi ng DOLE na ang mga manggagawang nawalan ng trabaho ay naitala mula Enero hanggang Agosto, mula sa 9,548 negosyo.
Ang mga ito ay pawang apektado ng retrenchment o pagbabawas ng mga empleyado dahil sa epekto ng pan-demya.
Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ang may pinakamaraming manggagawa na nawalan ng trabaho na nasa 89,531, sumusunod ang Region IV-A.
Comments are closed.