MATAGUMPAY na idinaos ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP) ang 54th Anvil Awards noong Enero 30 kung saan may 181 Anvil trophies ang iginawad sa outstanding public relations programs at tools noong 2018.
Ayon kay Andy Saracho, chair ng 54th Anvil Awards, may 121 Anvils ang ipinagkaloob sa campaigns sa ilalim ng PR Programs category habang 60 awards ang iginawad sa mga la-hok sa ilalim ng PR Tools.
Ang Anvil Awards, itinuturing na “Oscar” ng PR industry sa Filipinas, ay ipinagkakaloob taon-taon ng PRSP upang kilalanin ang napakahusay na PR campaigns na may epekto sa ka-nilang target audience at sa lipunan sa kabuuan. Ang 54th Anvil Awards ay tinampukan ng digitization ng awards process, na kauna-unahan sa 54 taong kasaysayan ng Anvil. Sa ilalim ng bagong digital system, ang pagsusumite ng entries, screening, judging, at payment ay isinagawa electronically.
Sa ilalim ng PR Programs category, 33 campaigns ang nagwagi ng Silver Anvil, habang 88 programs ang nakakuha ng Gold. Ang Grand Anvil ay iginawad sa entry na “STI Mobile School: Driving Education Where IT Matters in the Age of K-12” ng STI ESG and PageOne, Inc.
Para sa PR Tools, 43 Silver at 17 Gold Anvils ang ipinagkaloob. Napiling Platinum Anvil Awardees ang entries na “On the March: the Jesuits in the Philippines Since the Restoration” ng Media Wise Communications, Inc. at “OMGeo Vlog Series: the Geothermal Effect” ng Energy Development Corporation and PageOne, Inc.
Ang Philippine Long Distance Telephone Company ang itinanghal na Company of the Year, habang ang PageOne, Inc. ang nanalong Agency of the Year Award.
Pinamunuan ni Dr. Alfredo Pascual, chief executive officer ng Institute of Corporate Directors, ang multi-sectoral Panel of Judges na sumuri sa short-listed Anvil entries.
Comments are closed.