INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot na ngayon sa halos 170,000 ang bilang ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa case bulletin #157 na inisyu ng DOH, nabatid na hanggang 4:00PM ng Agosto 18 ay nakapagtala pa sila ng panibagong 4,836 bagong kaso ng virus sanhi upang pumalo na sa 169,213 ang naitalang COVID-19 cases sa Filipinas.
“As of 4PM today, August 18, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 169,213,” anang DOH. “A total of 4,836 confirmed cases are reported based on the total tests done by 84 out of 105 current operational labs.”
Nabatid na pinakamarami pa ring bagong kaso ng sakit na naitala sa National Capital Region na may 2,959 new cases; sumunod ang Laguna na may 321; Cavite na may 220; Rizal na may 185 at Bulacan na may 145.
Sa kabuuang kaso, 53,665 ang nananatili pa ring aktibong kaso o active cases, kung saan 91.5% nito ang mild cases, 6.2% ang asymptomatic, 0.9% ang severe at 1.3% ang critical.
Ayon sa DOH, ang magandang balita naman, nadagdagan pa ng 182 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na mula sa COVID-19, sanhi upang umabot na sa 112,861 ang total recoveries ng virus sa bansa.
“DOH likewise announces 182 recoveries. This brings the total number of recoveries to 112,861,” anang DOH.
“Note: Of the 4,836 reported cases today, 4,223 (87%) occurred within the recent 14 days (August 4 – 17, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (2,592 or 54%), Region 4A (715 or 15%) and Region 3 (296 or 6%.)” dagdag pa nito.
Samantala, nakapagtala pa ang DOH ng pitong pasyente na binawian ng buhay dahil sa virus, sanhi upang umakyat na sa 2,687 ang COVID-19 death toll sa bansa.
Ang pitong namatay ay pawang naitala nitong Agosto.
Ang dalawa sa kanila ay mula sa Region 4A habang nakapagtala rin ng tig-iisang COVID-19 death ang Region 9, Region 7, Region 5, Region 3, at Region 11.
“There were ninety-seven (97) duplicates that were removed from the total case count. Of these, seventy-six (76) were recovered and one (1) death have been removed,” anang DOH. “These numbers undergo constant cleaning and validation.” ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.