UMAABOT sa 182, 915 mga manggagawa sa buong bansa ang na-regular na sa kanilang trabaho sa unang buwan ng 2018.
Ito ay base sa pinakahuling datos ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na mas marami pa silang inaasahan na mare-regular sa kanilang mga trabaho dahil sa pinaigting na kampanya ng DOLE kontra ilegal na kontrakwalisasyon.
Tiniyak ni Bello na maraming mga establisimiyento na ang nagsumite sa kanila ng mga plano para sa regularisasyon ng mga empleyado nito dahil malaki ang naging impact ng paglalabas ng DOLE ng listahan ng mga non-compliant na mga kompanya.
Patuloy ang pag-iinspeksiyon ng DOLE sa mga establisimiyento o mga tanggapan upang matiyak na nasusunod ang labor standards at labor laws.
Karamihan sa mga manggagawa na na-regular ay mula sa mga restaurant, shopping mall, manufacturing, distribution, at maging sa mga ahensiya ng gobyerno. AIMEE ANOC
Comments are closed.