185,102 RESIDENTE SA METRO APEKTADO NG BAGYONG ENTENG

PUMALO na sa 185,102 na indibdiwal ang naapektuhan ng Bagyong Enteng sa Metro Manila.

Ayon sa DSWD, katumbas ito ng higit 45,000 na pamilya mula sa Caloocan, Las Pinas, Malabon, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasig, Taguig, Quezon, San Juan, at Valenzuela City.

Batay pa sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, aabot pa sa 4,933 na pamilya o 23,029 na indibidwal ang nananatili sa Evacuation Centers.

Samantala, sumampa na rin sa P28 milyon ang halaga ng Humanitarian Assistance na naipaabot sa mga apektado ng bagyo.

Tiniyak naman ng DSWD Field Office National Capital Region (NCR) – Disaster Response Management Division na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga Lokal na Pamahalaan sa Metro Manila upang makapagbigay ng resource augmentation tulad ng Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Enteng.

P ANTOLIN