185K NA GUMALING SA COVID-19

DOH

PUMALO na sa mahigit 185,000 ang kabuuang bilang ng mga pasyente na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa case bulletin no. 178 ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng panibagong 286 COVID-19 recoveries dahilan upang umakyat na sa 185,178 ang kabuuang bilang nito.

Samantala, nakapagtala muli ang DOH ng 3,281 bagong kaso ng COVID-19 hanggang 4:00PM nitong Setyembre 8, sanhi upang umakyat na ngayon sa 241,987 ang total COVID-19 cases.

Inaasahan namang tataas pa ang naturang bilang dahil ang naturang ulat ay mula lamang sa 81 ng kabuuang 115 operational laboratories ng DOH.

Anang DOH, nasa 34 na laboratoryo pa nila ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).

“A total of 3,281 confirmed cases are reported based on the total tests done by 81 out of 115 current operational labs. 34 labs failed to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS),” anito pa.

Ayon sa DOH, sa ngayon ay nasa 52,893 pa ang itinuturing nilang active cases ng COVID-19 sa bansa, at sa naturang bilang, 88.6% ang mild cases; 8.2% ang asymptomatic; 1.3% ang severe cases at 1.9% naman ang critical cases.

Pinakamarami pa ring naitalang bagong kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,420; Cavite na may 263; Negros Occidental na may 204; Laguna na may 197 at Rizal na may 196.

Samantala, nakapagtala pa ang DOH ng karagdagang 26 na namatay kaya’t umakyat na ang COVID-19 death toll sa 3,916. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.