189 CHINESE TOURIST PINAYAGANG MAKAPASOK SA PH

BUREAU OF IMMIGRATION-NAIA

SA  kabila ng patuloy na pagtaas ng Covid 19 sa China, walang kahirap-hirap na nakapasok sa bansa ang 189 Chinese tourists, sakay ng Xiamen airlines flight MH819 mula China.

Dumating ang mga ito bandang alas 4:45 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at sinalubong nina Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian at Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong.

Matatandaan na naglabas ng direktiba ang Department of Health, na naglalayong higpitan ang mga pasherong galing China, magsumite ng health declaration forms,at ang symptomatic passengers ay ipagbigay alam sa DOH.

Inatasan ding maging alerto ang mga awtoridad na nakatalaga sa mga port of entry at harangin ang mapatutunayan na positibo sa COVID 19 at kung kinakailangan at dalhin sa mga quarantine facilities ng pamahalaan.

Naalarma naman ang ilang sa mga Pilipino sa naging desisyon ng mga taga Department of Tourism na payagan ang mga Chinese tourist na hindi maga-undergo o dumaan ng quarantine.

Anila, hindi lingid sa kaalaman ng pamahalaan na mataas pa rin ang COVID sa China, na hanggang ngayon ay patuloy na kumakalat ang sakit na ito sa kanilang mga lugar.

Batay sa impormasyon, binigyan ng Bureau of Immigration (BI) ang 189 Chinese nationals ng mula 30 hanggang 59 araw para manirahan sa bansa. Froilan Morallos