18K NA KASO NG COVID-19 SA PNP

INIULAT Philippine National Police Health Service na may naitala na bagong kaso ng CO­VID-19 na 162 kaya pumalo sa kabuuang 18,073 na ang mga PNP personnel na tinamaan ng natu­rang virus.

Gayunpaman, nakahinga ng maluwag ang PNP makaraang walang naitalang nasawi sa kanilang hanay kahapon.

Nauna rito,mula noong Abril 8 hanggang Abril 13 ay halos araw-araw ay may naitatalang pulis namatay sa CO­VID-19 na dahilan para pumalo ang bilang sa 47 mula noong Marso 2020.

Puspusan naman ang paggagamot sa mga infected, 171 ang nakarekober at kabuuang gumaling sa COVID-19 ay 15,554.

As of 6M ng Abril 14, mayroon pang 2,472 na mga pulis ang ginagamot sa iba’t ibang rehiyon.
Umaasa naman si PNP Chief Gen. Debold Sinas na mada­ragdagan pa ang mga makarerekober sa naturang sakit. EUNICE CELARIO

2 thoughts on “18K NA KASO NG COVID-19 SA PNP”

Comments are closed.