19 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NASAGIP

NAKIPAG UGNAYAN ang Philippine Coast Guard sa PNP Maritime Police kaugnay sa pag-rescue sa 19 na biktima ng human trafficking sa Bongao, Central Tawi-Tawi.

Ayon sa PCG, nasagip ang mga biktima nang matunton ang kanilang kinaroroonan sa port of Bongao, Tawi-Tawi na hinihinalang nakatakda nang maglayag papuntang Malaysia.

Hinggil sa nasabing operation ay inalerto ng PCG ang Maritime Police at Maritime Inter-Agency Council Against Trafficking tungkol sa pagsagip sa mga biktima mula sa barkong MV Ever Queen of Asia, na naka-angkla sa bayan ng Bongao.

Sinasabing pawang  na-recruit ang mga biktima sa Zamboanga Peninsula.

VERLIN RUIZ