19 FILIPINO SAILORS INARESTO SA DROGA

sailor

MEXICO – LABINSIYAM na Pinoy seamen at tatlong Polish na lulan ng Cypriot-flagged vessel ang inaresto dahil sa umano’y pagbibitbit ng ilegal na droga.

Nakahimpil ang barkong UBC Savannah sa Altamira Port sa Mexico nang lusubin ng awtoridad dahil sa ulat na paglabag sa kanilang bansa kaugnay sa pagbibitbit ng droga.

Ilang kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kumausap sa pitong Filipino na nasa kustodiya ng awtoridad.

Tiniyak naman ng DFA representative na maayos ang lagay ng mga Pinoy seaman habang ipinaalam na rin sa kani-kanilang pamilya ang sitwasyon nila.

“The group is generally in good spirits, and informed the embassy representatives that their families have been informed of what happened,” ayon sa DFA.

Puspusan din ang koordinasyon ng mga ­Philippine diplomat sa Mexican authorities gayundin ang abogado ng kompanyang pinapasukan nila.

Tiniyak din ng DFA na wala pang kasong isinasampa sa mga Filipino seafarer at mga dayuhang inaresto. EUNICE C.

Comments are closed.