19 LAW BREAKERS TIMBOG SA ANTI-CRIME OPERATIONS

arestado

BULACAN-LABING-siyam na law breakers kabilang ang walong drug suspects ang nasakote ng Station Drug Enforcement Unit(SDEU) ng Bulacan-PNP sa ikinasang Anti-Crime drive sa lalawigang ito kamakalawa.

Base sa isinumiteng report kay Bulacan Police Director Col.Lawrence B. Cajipe,nadakip ang walong drug peddlers sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations na inilatag ng SDEU ng mga bayan ng Balagtas,Pulilan,Sta.Maria at San Jose del Monte City at nakumpiska sa mga suspek ang kabuuang 19 pakete ng shabu at dalawang cellphones.

Lima rin ang naaresto sa pagresponde ng mga awtoridad dahil sa ibat-ibang krimen sa bayan ng Bocaue,Meycauayan City,Baliwa at SJDM City kabilang ang dalawang tirador ng motorsiklo na nadakip makaraang harangin ng mga ito ang rider at pinalo ng bato sa ulo at sinaksak bago tinangay ang motorsiklo ng biktima.

Dinakip din sa Meycauayan City ang isang lasing na suspek nang  dakmain nito ang ‘boobs’ ng isang 17-anyos na dalagita habang nakikipagkuwentuhan sa labas ng kanilang bahay habang isa ang naaresto sa Barangay Bagong Nayon ,Baliwag nang umiwas sa checkpoint at makuhanan ng isang pakete ng shabu at drug paraphernalia.

Gayundin, anim na wanted person ang nasakote ng tracker team sa manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest sa Obando,Meycauayan City,SJDM City at San Miguel katuwang ang Bulacan CIDG. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.