NANANATILING naka-granular lockdown ang 19 na lugar sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng umiiral na COVID-19 Alert Level 1.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) Command Center, ang mga ito ay puro kabahayan na nasa siyudad ng Maynila, kung saan 19 na indibidwal ang apektado.
Samantala, sa iba pang bahagi ng bansa, tatlong rehiyon na lang ang may mga nananatiling lugar na naka-granular lockdown.
Kabilang dito, Ang Police Regional Office (PRO) 1 na may 76 na lockdown areas na sakop ang 123 indibiduwal sa 96 na bahay; PRO Cordillera na may 42 lockdown areas na sakop ang 69 na indibiduwal sa 48 bahay; at PRO 2 na may iisang indibiduwal na naka-lockdown.
Nasa 113 pulis at 314 Force multipliers ang nagbabantay sa mga lahat ng nalalabing lockdown areas.
EUNICE CELARIO