19 OFWs MULA KUWAIT PANIBAGONG BATCH NA NAKAUWI

OFW-KUWAIT

PASAY CITY – MAY panibagong batch ng pinauwing overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait.

Sa ulat, may bilang ang mga ito na 19 at pawang mga undocumented na matagal na tumigil sa kanlungan na inaayudahan ng gobyerno ng Pilipinas.

Sinasabing tatlumpung OFWs ang orihinal na dapat uuwi subalit 19 ang pinayagan ng Kuwaiti government dahil kulang pa ang papeles ng 11.

Samantala, tiniyak ng DFA  na ang 19 repatriated OFWs ay makatatanggap ng P5,000 bilang financial assistance mula sa pamahalaan at may libreng ticket para sa mga taga probinsiya na kanilang magagamit sa transportasyon. FROILAN MORALLOS

One thought on “19 OFWs MULA KUWAIT PANIBAGONG BATCH NA NAKAUWI”

  1. This is such an informationrmative post and very clearly written. Every single thought and idea is direct to the point. Perfectly laid out. thank you for taking your time sharing this to you readers.

Comments are closed.