19 PDL NG BINAN CITY JAIL NAGTAPOS NG ALS NG DEPED

LAGUNA- HINDI naging hadlang ang malamig na rehas sa determinasyon ng 19 na persons deprived of liberty (PDL) na magkaroon sila ng panibagong pag-asang mamuhay ng tahimik ng makapagtapos ang mga ito ng Alternative Learning System (ALS), sa isang programa nitong BiyerneS ng umaga sa City jail compound ng lungsod na ito.

Ang programa ng pagtatapos ay sinaksihan ng mga opisyal ng DepEd mula sa Binan district, mga magulang ng PDL at mga opisyal ng City jail sa pangunguna ni J02 Jun Alfred Ralo, ang nag- organize ng ” Bagong pag-asa ng paglaya” para sa mga preso.

Ang nasabing DepEd program katuwang ang Bureau of Penology ay naglalayon na bigyan ng panibagong opurtunidad ang mga bilanggo na magkaroon ang mga ito ng dignidad at paniniwala na may naghihintay sa kanila na magandang bukas sa labas ng kulungan.

Ayon kay J02 Ralo, pasok na para makapag- aral sa Junior at Senior high school ang mga ALS completer kung saan makapamimili sila ng mga kurso na mayroon NC 1, ll, at lll certificates na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Baon ng mga nagsipagtapos na bilanggo ang pagsisimula ng panibago nilang mithiin sa buhay. ARMAN CAMBE