19 PINOY MAG-AARAL NG ADVANCE FARMING SA ISRAEL

Isidro Lapeña

LIGTAS na nakarating sa Israel ang 19 na delegadong Filipino na ipinadala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sila ay sinalubong ni Agrostudies Chief Executive Officer Yaron Tamir noong Marso 31 sa Ben Gurion International Airport sa Tel Aviv.

Sumailalim sila sa mga health protocol bago sumabak sa modernisasyon ng agrikultura sa ilalim ng isang programa sa pagsasanay na inaalok ng Agrostudies, ang International Center for Agricultural Interns sa Israel.

Bahagi ito ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng TESDA at Agrostudies na nilagdaan noong Disyembre 16, 2020 at Memorandum of Agreement sa pagitan ng TESDA at pitong unibersidad at kolehiyo (SUCs) na nilagdaan noong Disyembre 22, 2020.

Layon ng TESDA na itaguyod ang agrikultura bilang isa sa  banner programs, kasama ang mga institusyong naglalaan ng 30 porsiyentong badyet sa agriculture scholarship at iba pang pagsasanay na may kinalaman sa pagsasaka.

Ayon kay TESDA chief Isidro Lapeña, isa sa mga pinakamahusay na teknolohiyang pang-agrikultura sa buong mundo ang Israel kaya malaki ang maitutulong nito sa mga Pinoy representatives.

Nagpapasalamat  sila sa pamahalaan ng Israel sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga Filipino na makadalo sa programang ito.

Pinalawak ng Agrostudies ang programa sa Filipinas at iba pang mga bansa mula 2006 hanggang 2016, kung saan may 6,000 Filipinong mag-aaral galling sa 27 SUCs ng bansa ang nakikinabang.

Layon nitong matuto ang mga mag-aaral/trainee sa advanced technology ng agrikultura at masanay sa pag-upgrade sa pagsasaka.

Sasailalin ang mga delegado sa anim na buwang pagsasanay  kasama ang Horticulture, Animal Science, at Business Initiative.

Inaasahang makatutulong ang mga nagsasanay para mas mapagbuti ang kurikulum sa agrikultura ng TESDA at iba pang mga training institutions sa bansa.

Regular na susubaybayan ng TESDA ang katayuan ng mga Filipino intern sa panahon ng kanilang pagsasanay.

Dalawang trainers pa ang nakatakdang lumipad patungong Israel upang sumali sa delegasyon. NENET L. VILLAFANIA

4 thoughts on “19 PINOY MAG-AARAL NG ADVANCE FARMING SA ISRAEL”

  1. 286906 299699I want to thank you for the outstanding post!! I definitely liked every bit of it. Ive bookmarked your internet site so I can take a appear at the latest articles you post later on. 340537

Comments are closed.