ROMA – LABINSIYAM na Filipino ang nasugatan sa aksidente na kinasasangkutan ng public utility vehicle sa Italy.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, nangyari ang aksidente sa Via Cassia, sa hilaga ng Roma, noong Oktubre 16.
Sa report ng Philippine Emabassy sa Roma, sinabi ng mga biktima na nagtamo sila ng muscle trauma subalit agad naman silang nilapatan ng lunas.
Tatlo sa mga ito ay nasugatan sa noo habang dalawa ay nabalian ng buto.
Pahayag ng DFA na ayon sa mga doktor na sumuri sa mga Filipino, wala namang malubhang nasugatan sa naturang insidente.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang embahada sa Italian authorities kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng aksidente. EUNICE C.
Comments are closed.