19 SASAKYAN NAGLIYAB SA PARKING AREA NG NAIA TERMINAL 3

TINATAYANG nasa 19 na sasakyan ang nagliyab habang nakaparada sa parking extension sa NAIA Terminal 3 sa lungsod ng Pasay.

Sa inisyal na impormasyon, unang rumesponde ang MIAA rescue and firefighting division sa sunog kung saan mabilis na kumalat sa iba pang sasakyan ang apoy dahil sa mga tuyong damo na nagliyab at gumapang sa ilang bahagi ng parking area.

Sa inisyal report ng MIAA, grass fire ang itinururong dahilan ng sunog na nagsimula ng ala-1:20 ng tanghali at tumagal ng hanggang ala-1:57 ng tanghali bago ideklarang fire out ng mga rumespondeng bombero mula sa MIAA.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa lawak ng pinsala at halaga ng pinsala ng sunog sa lugar.
CRISPIN RIZAL