CAVITE – UMAABOT sa 19 drug pushers at 47 MGCQ violators ang nasakote sa magdamagang anti-criminality operations ng mga operatiba ng pulisya sa ilang lungsod at bayan sa lalawigan ng Cavite nitong Biyernes ng madaling araw.
Sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia ng Cavite Police Provincial Office, nasakote ang 19 drug pushers sa isinagawang 9 na buy-bust operations sa Dasmariñas City, mga bayan ng Rosario, Naic, GMA, Noveleta at Ternate kung saan nasamsam ang 51 plastic sachets na shabu, drug money at mga drug paraphernalia.
Habang dalawang wanted persons ang naaresto kaugnay sa warrant of arrest sa paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drug Act of 2002); at RA 9262 (Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004).
Samantala, nalambat naman ang 47 ‘pasaway’ na lumabag sa modified community quarantine dahil walang face masks habang nasa labas ng kalsada at paglabag sa curfew hours.
Isinailalim na sa drug test ang 19 drug pushers na nasakote habang pina chemical analysis naman ang shabu na nakumpiska na gagamitin sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165.
Umapela naman ang Cavite PNP sa publiko na iwasan ang anumang illegal activities sumunod sa minimum health protocols na mahigpit na ipinatutupad. MHAR BASCO
Comments are closed.