CAMP CRAME – LABINSIYAM na video karera at 36 na fruit game machines ang winasak kahapon sa national headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Quezon City.
Pinangunahan ni PNP deputy chief for operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang ceremonial destruction sa mga gamit pangsugal na nakumpiska ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa kanilang big time operations simula noong Enero 1 hanggang Pebrero 2
Nasa 13 video karera machine at 12 fruit games ang nakumpiska sa Muntinlupa City, apat na video karera machines naman sa Caloocan City at dalawang video karera at apat na fruit game machines naman ang nagmula sa Pasay City.
Ang isinagawang operasyon ng IMEG laban sa illegal gambling ang naging basehan sa nang-yaring sibakan sa puwesto ng pitong Police Community Precint Commander at tatlong chief of police sa naturang mga lungsod. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM