1,900 FOOD PACKS PARA SA BULAKENYO

VG-Daniel-Fernando

BULACAN– NAMAHAGI ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina  Gobernador Daniel Fernando at Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office ng may kabuuang 1,900 food packs mula sa 18th Congress of the Philippines para sa Muslim Community sa Unang Distrito at Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) ng Lungsod ng Malolos na ginanap sa Bulacan Capitol gymnasium kahapon.

Bago ang pamamahagi, pinangunahan nina House Speaker Alan Peter Cayetano ang ceremonial turnover ng mga food pack na isinagawa sa House of the Representatives, Batasan Hills, Quezon City kasama ang mga kinatawan na sina Jose Antonio Sy-Alvarado, Lorna Silverio, Gavini Pancho at Florida Robes.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Fernando sa Kongreso at sinigurado na ang mga donasyon ay makararating sa mga benepisyaryo nito.

“Sa panahon ng pandemayang ito, sobrang halaga ng mga donasyong ibinibigay sa atin, maliit man ito o malaki. Kaya sa ngalan ng mga Bula­kenyo, lubos akong nagpapasalamat sa kongreso sa tulong na kanilang inihanda para sa ating mga kapatid na Muslim dito sa lalawigan at pati sa ating mga TODA. Sinisiguro ko po na ito ay makakaabot sa kanila,” ani Fernando.

Naglalaman ang mga donasyong food pack ng sari-saring mga gulay, frozen chicken at frozen fish para sa mas malusog na suplemento.

Samantala, nagtala ang Bulacan noong Agos-to 5, 2020 ng may kabuuang 532 na gumaling sa COVID-19 at 978 aktibong kaso. MARIVIC RAGUDOS

210 thoughts on “1,900 FOOD PACKS PARA SA BULAKENYO”

  1. 336339 998929What would you suggest in regards to your post that you simply made some days ago? Any positive? 869518

  2. Pingback: 2crucifix

Comments are closed.