190K MARALITA, NABIYAYAAN SA RELIEF OPS SIMULA NANG PUMUTOK ANG PANDEMYA

UMABOT na sa humigit 190,000 indibidwal ang naging benepisyaryo ng relief operations ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na isinasagawa sa buong bansa.

Sa talaan ng PCUP, simula nang magsimula ang pandemya ay umabot na sa 190,042 pamilya ang nakinabang sa isinasagawang relief operation ng Komisyon na magpapatuloy sa gitna ng ECQ na ipinapatupad ngayon sa Metro Manila at ilang mga karatig lugar hanggang sa ibang rehiyon.

Naging posible ang pagkamit ng nasabing bilang sa patuloy na pakikipagtulungan ng PCUP sa iba’t ibang pampubliko at pribadong sektor na nagpaabot ng kani-kanilang tulong tulad ng food packs distribution handog ng Jollibee Group Foundation na naglalaman ng mga ready-to-eat meals, DA-BPI para sa mga masustansyang gulay at marami pang iba.

Maliban sa relief operations, binigyang diin din ng Komisyon ang pagpapaigting sa mga programa na magiging kapaki-pakinabang sa mga maralitang tagalungsod habang umiiral ang ECQ.

Sa ngayon, buong pwersa nang pinaghahandaan ng mga PCUP Field Operations Divisions (FODs) ang pakikipag-ugnayan sa partner agencies nito para makipagtulungan sa pagbaba sa mga komunidad para magbigay ng tulong kasabay ng pagsunod sa mga itinakdang safety protocols ng IATF para na rin matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Sinabi ni PCUP Chairman Usec. Alvin Feliciano, “Sa panahong nababalot tayo ng pangamba bunsod ng pandemya, ang kinakailangan ng ating mga maralitang Pilipino ang tulong mula sa atin, kung kaya’t kahit na sa simpleng inisyatiba tulad ng relief operations ng aming ahensya, naniniwala akong maiibsan ang kanilang pag-aalala sa isyu ng kagutuman at kalusugan.”

Bukod sa mga relief at food packs na ipinamamahagi ng PCUP, makakatanggap din ng health kits na naglalaman ng mga face masks, face shields, at alcohol ang mga maralitang tagalungsod na maging benepisyaryo ng relief distribution ng Komisyon bilang bahagi ng programang PCUP Health Caravan. Benedict Abaygar. Jr.

66 thoughts on “190K MARALITA, NABIYAYAAN SA RELIEF OPS SIMULA NANG PUMUTOK ANG PANDEMYA”

  1. 263026 895559Hi there, I found your weblog via Google while looking for very first aid for a heart attack and your post looks quite fascinating for me. 614056

  2. 200784 573534Maximize your by how a large amount of gear are employed internationally and will often impart numerous memory making use of that your is also fighting that is a result from our team rrnside the twenty 1st centuries. everyday deal livingsocial discount baltimore washington 110874

  3. 279992 243304Hi, you used to write outstanding articles, but the last several posts have been kinda lackluster I miss your super writing. Past couple of posts are just a little out of track! 181207

Comments are closed.