ISINALANG na sa culling o pagpatay ang nasa 191 baboy na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa Magpet, North Cotabato.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Noel Reyes, isinagawa ang culling mula sa 500-meter radius ng hog farm kung saan tinamaan ng sakit ang mga alagang baboy.
Aniya, sa ngayon ay tatlong barangay na sa North Cotabato ang apektado ng ASF.
Samantala, inaalam na ng Bureau of Animal Industry (BAI) kung totoo ang mga ulat na nagmula sa chorizzo ang pagkalat ng ASF sa lugar.
Pinapayuhan naman ng DA ang mga hog farmer na agad i-report sa BAI kapag nagka-roon ng kaso ng ASF sa mga baboy sa kanilang lugar. DWIZ 882
Comments are closed.