LABIS ang hinagpis ng pamilya ng buntis na pulis makaraang pumanaw ito dahil sa umano’y impeksiyon sa COVID-19.
Agad naman nagpaabot ng pakikiramay si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar sa mga naulia ng biktima na ika-123 na sa mga namatay sa COVID-19 sa hanay ng pulisya.
Sinabi ni Eleazar na si Patient No. 123 ay naka-assign sa Central Luzon at pumanaw noong Oktubre 17 bunsod ng Acute Respiratory Syndrome na pinalala ng nasabing virus.
Batay sa kanyang medical records, siya ay na-admit sa ospital sa Baler, Aurora makaraang mahirapang huminga noong Oktubre 8 at nang magpa- laboratory test ay nadiskubreng dahil positibo sa COVID-19.
Noong Oktubre 10, inilipat ang buntis na pulis sa isang ospital sa Nueva Ecija at isinailalim sa Emergency Caesarian Operation, kung saan iniluwal ang sanggol na lalaki subalit namatay rin.
Makaraan ang pitong araw ay sumunod na pumanaw ang pulis.
“Lubos po ang ating pakikidalamhati at pakikiramay sa pamilya ng ating pulis na namatay. Noon pa man po ay nagpalabas na tayo ng kaukulang utos hanggang sa mga police stations para sa ating babaeng pulis at NUP na sila ay mag-work-from-home scheme upang maiwasan ang pagkahawa sa Covid-19”, ayon kay Eleazar.
Samantala, iniulat naman ng PNP Health Service na nagpapatuloy ang pagbaba ng bagong kaso ng COVID-19.
Hanggang Oktubre 18, naitala ang 47 new cases kaya ang kabuuang kaso sa police force ay umabot na sa 41,311 subalit patuloy naman ang mga gumagaling na nasa 40,248 na kaya ang aktibong kaso na lamang ay nasa 941 na lamang.
Samantala, nasa 85.96% o 191,757 ng PNP personnel ang fully vaccinated, habang ang nakakaisang dose ng bakuna ay 12.31% o 27,470 at tanging 1.72% o 3,840 na lamang ang hindi pa nababakunahan.
EUNICE CELARIO
886171 905122I discovered your weblog internet site on bing and appearance several of your early posts. Preserve up the very good operate. I just now additional the RSS feed to my MSN News Reader. Seeking toward reading far a lot more on your part down the road! 488157
275919 876591Im often to blogging and i in actual fact respect your content. The piece has truly peaks my interest. Im going to bookmark your content and preserve checking for brand new information. 365546