1,922 PASAWAY TIKLO SA GUN BAN

PUMALO na sa 1,922 katao ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gun ban simula noong Agosto 28 hanggang nitong Biyernes ng hatinggabi.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, bukod sa mga inaresto, nakakumpiska rin sila ng 1,454 iba’t ibang uri ng armas kasama na ang bladed weapons habang ang mga kusang nagpagtago pansamantala ng baril for safekeeping ay aabot sa 2,325.

Aabot naman sa 1,683 na armas ang isinurender sa PNP.

Sa panimula rin ng election gun ban para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), namandanduhan ng PNP ang 317,596 Comelec checkpoints.

Samantala, epektibo alas-12:01 ng madaling araw kahapon ipinatupad na ang liquor ban na bahagi ng Omnibus election code para sa halalan ngayong araw. EUNICE CELARIO