1,923 BAGONG KASO NG COVID-19 SA PH

DOH

NASA 1,923  ang bagong kaso ng COVID-19 na nadagdag sa araw ng Biyernes, Oktubre 23 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) umabot na sa 365,799 ang confirmed cases ng sakit sa bansa, 46,193 ang aktibong kaso.

Nasa 83.6 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.3 porsiyento ang asymptomatic; 1.8 porsiyento ang severe habang 3.2 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 132 ang dagdag na napaulat na nasawi kaya umakyatna sa 6,915 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 424 naman ang gumaling pa kaya pumalo na sa 312,691 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.

Comments are closed.