INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot pa sa 19,271 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Pilipinas araw ng Linggo.
Base sa DOH case bulletin no. 554, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 2,366,749 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 19, 2021.
Sa naturang kabuuang kaso naman, 7.5% o 178,196 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa, kabilang dito ang 92.3% na mild cases, 3.1% na asymptomatic, 2.60% na moderate, 1.4% na severe at 0.6% na critical.
Mayroon namang 25,037 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman.
Sanhi nito, umaabot na sa 2,151,765 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 90.9% ng total cases.
Samantala, mayroon pang 205 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.
Sa kabuuan, umaabot na sa 36,788 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.55% ng total cases.
Kaugnay nito, iniulat ng DOH, na mayroon pa ring 72 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 57 recoveries.
Mayroon ding 94 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez
733439 325084Yay google is my world beater assisted me to find this wonderful website! . 310365
533639 598036Your article is truly informative. A lot more than that, it??s engaging, compelling and well-written. I would desire to see even much more of these types of fantastic writing. 453088
301370 189063Possible call for all types of led tourdates with some other fancy car applications. Numerous also offer historic packs and other requires to order take into your lending center, and for a holiday in upstate New York. ??? 986152