1,941 NADAGDAG SA COVID-19 CASES

UMABOT na sa kabuuang 535,521 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ay naitala ang 1,941 na mga bagong kaso sa ng virus.

Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, 35,946 ang bilang ng mga aktibo o nasa 6.7%.

Sa kaparehong datos ay naitala rin ang 52 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 11,110 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Samantala, 488,465 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 234 na mga bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Comments are closed.