HALOS 2,000 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Sabado (Enero 9), umabot na sa 485,797 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 26,784 o 5.5 porsiyento ang aktibong kaso.
83.1 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.6 porsiyento ang asymptomatic; 0.47 porsiyento ang moderate; 2.8 porsiyento ang severe habang 5.1 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 34 naman ang nadagdag na nasawi kaya umakyat na sa 9,398 o 1.93 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 291 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya pumalo na sa 449,515 o 92.6 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.
Comments are closed.