NASA 19,536 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.
Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Hulyo 25, 2022, naitala ang bilang simula Hulyo 18 hanggang 24, 2022.
Mas mataas ito ng 33 porsiyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Hulyo 11 hanggang 17.
Nasa 2,791 naman ang daily average cases.
Samantala, may 56 na bagong severe and critical cases habang 42 ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas din sa datos na nasa 26 porsiyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 5,804 sa 22,331 non-ICU beds ang gamit.
21.7 porsiyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 578 sa 2,664 ICU beds ang gamit.
Nasa 666 ang severe and critical admissions, o 8.7 porsiyento ng kabuuang COVID-19 admissions. J GALOS