QUEZON CITY – TINATAYANG aabot sa 1955 na katao ang naitala ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilaim ni Director, Police Brigadier General Joselito T. Esquivel Jr. at mga tauhan nito dahil sa paglabag sa Quezon City ordinances, mula alas-5:00 ng umaga ng Marso 31 hanggang 5:00 ng umaga sa Abril 1, 2019.
Ang La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ni PLTC Camlon Nasdoman, 10 sa mga lumabag sa City ordinance na drinking liquor in public places, tatlo sa smoking in public places at 386 para sa iba’t ibang traffic violations.
Ang Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni PLTC Rodrigo Soriano na may nahuli sa pag-inom, 72 naninigarilyo, 10 ang naglalakad ng half-naked, apat na umihi sa public places at 25 sa jaywalking.
Sa Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim ni PLTC Alex Alberto naitala ang 310 na nadakip; ang Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni PLTC Benjamin Gabriel Jr. ay nakahuli ng 82 pasaway.
Habang ang Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni PLTC Joel Villanueva ay may naikulong na 27 katao, ang Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim ni PLTC Giovanni Hycenth Caliao ay nakahuli ng 57 para sa smoking in public places, 143 sa jaywalking at 10 para sa mga traffic violation.
Samantala, ang Project 4 Police Station (PS 8) sa ilalim ni PLTC Jeffrey Bilaro ay may 200 jaywalkers
Habang ang Anonas Police Station (PS 9) sa ilalim ni PLTC Cipriano Galanida ay nakapagtala ng 53 smoking in public places at 30 sa jaywalking.
Ang Kamuning Police Station (PS 10) sa ilalim ni PLTC Louise Benjie Tremor na may (5) smoking in public places at 53 sa traffic violations.
Sa Galas Police Station (PS 11) sa ilalim ni PLTC Carlito Mantala na may 10 smoking in public places at 296 sa jaywalking.
At ang Eastwood Police Station (PS 12) sa ilalim ni PLTC Romulus Gadaoni na may 92 para sa mga traffic violation. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.