196 PINOY SA MACAU PAUUWIIN NA

Secretary Francisco Duque III

INIANUNSIYO ng Department of Health (DOH) na ngayong linggong ito ay nakatakda na nilang pauwiin sa bansa ang may 196 Pinoy na nasa Macau, sa gitna ng banta ng coronavirus desease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kabilang sa naturang bilang ang 148 overseas Filipinos (OFWs) na pauuwiin sa pamamagitan ng chartered flights at 48 na active members ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na pauuwiin naman sakay ng commercial flights.

Nilinaw naman ng kalihim na ituturing lamang na persons under monitoring (PUMs) ang mga naturang repatriates.

Bilang PUMs, aatasan ang mga repatriate na sumailalim sa self-quarantine sa loob ng 14-araw pagdating nila sa bansa.

“‘Yun pong ating repatriates from Macau will be treated as PUMs, persons under monitoring,” ani Duque, sa isang press briefing nitong Miyerkoles.

Tulad naman ng mga unang batch ng mga pi­nauwing Pinoy, susuriin muna ang mga pauuwiing  Pinoy laban sa COVID-19 bago tuluyang pasakayin sa eroplano na mag-uuwi sa kanila sa Filipinas.

Matatandaang nagpapatupad ang Filipinas ng travel restrictions sa Macau dahil sa banta ng CO­VID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.