19,699 GUMALING PA SA COVID-19

DOH-recover

UMAKYAT na sa 829,608 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 19,699 na mga bagong gumaling araw ng Miyerkoles.

Batay sa pinakabagong tala ng Department of Health (DOH), 116,434 ang aktibong kaso, habang 962,307 naman ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Nasa 96.7 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.3 porsiyento ang asymptomatic; 0.52 porsiyento ang moderate; 0.8 porsyento ang severe habang 0.6 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa kabuuan, nasa 16,265 na ang namatay sa naturang virus at 124 rito ay naitalang bagong nasawi araw ng Miyerkoles.

4 thoughts on “19,699 GUMALING PA SA COVID-19”

  1. 477869 273303A great deal of writers recommend just writing and composing no matter how bad and if the story is going to develop, you will suddenly hit the zone and itll develop. 845859

Comments are closed.