1,970 TRABAHO INIALOK SA ARANETA CENTER AT PESO – QC

ARANETA-CENTER

QUEZON CITY – HINDI ina­lintana ng jobseekers ang masungit na panahon at dinagsa ang job fair na handog ng Public Employment Service Office  (PESO) sa ilalim ng QC City Hall sa pakikipagtulu­ngan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region, Aliw Media Group at ng Araneta Center Inc.

Ayon kay Mr. Alex Macabulos, head ng employment section ng PESO, umabot sa 595 applicants ang bumuhos sa Activity Center ng Farmers Plaza.

Habang nasa 24 kompanya ang lumahok sa job fair kung saan nag-alok ng trabaho mula sa janitorial hanggang managerial position.

Ang job fair ay bahagi ng selebrasyon ng lungsod para sa ika- 120 taon ng Araw ng Kalayaan.

Nilinaw naman ni Macabulos na welcome sa lahat ng jobseekers ang job fair na para lamang sa local employment.

Ang katatapos na job fair ay may koordinasyon sa Aliw Media Group kung saan kasapi  ang PILIPINO Mirror, BusinessMirror, Philippines Graphic, Health Fitness, DWIZ 882, Home Radio 97.9 at Cook.

Samantala, tagumpay rin ang ilang programang handog ng Araneta Center Inc., kung saan sinabi ng kanilang public relations officer na si Abi Castillo na kabilang sa kanilang handog na parokyano o shopper ay free movie habang naging available din ang mga produkto mula sa walong lalawigan na bahagi ng kasaysayan para sa kalayaan ng bansa.  EUNICE C.