PATULOY ang pagsita ng Quezon City Police sa mga sumusuway sa ordinansa ng lungsod.
Katunayan, naitala ng QCPD sa ilalim ng pamumuno ni Director, Police Brigadier General Joselito T. Esquivel Jr. ang 1,985 na mga lumabag mula alas-5:00 ng umaga ng Setyembre 10 hanggang 5:00 ng umaga ng Setyembre 11, 2019.
Naitala ng La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ni PltCol Camlon Nasdoman ang 361 na mga lumabag sa traffic violations, habang ang Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni PltCol Rodrigo Soriano ay may 10 katao dahil sa drinking liquor in public places, 115 smoking in public places, 14 roaming half-naked in public places, at 245 sa mga traffic violation. Habang ang Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim ni PltCol Benjamin Gabriel Jr. ay may 19 katao sa smoking in public places, 91 sa jaywalking, at 40 sa mga traffic violation.
Ang Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni PltCol Rossel Cejas ay may 134 sa traffic violations.
Ang Fairview Police Station (PS 5) naman sa ilalim ni PltCol Carlito Mantala ay may naitalang 184 para sa traffic violations.
Ang Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni PltCol Joel Villanueva ay 27 para sa drinking liquor in public places, 56 smoking in public places, 23 roaming half-naked in public places, 4 urinating in public places, 50 sa jaywalking, 19 sa traffic violations at nakapagsagip ng 13 menor de edad dahil sa paglabag sa discipline hours.
Nakapagtala naman ang Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim ni PltCol Giovanni Hycenth Caliao ng 109 dahil sa smoking in public places at 20 sa mga traffic violation.
Sa Project 4 Police Station (PS 8) sa ilalim ni PLltCol Jeffrey Bilaro ay may naitala na 49 na may mga traffic violations.
Sa Anonas Police Station (PS 9) sa ilalim naman ni PltCol Cipriano Galanida ay may naitala na 36 dahil sa smoking in public place at 25 sa jaywalking.
Sa Kamuning Police Station naman sa ilalim ni PltCol Louise Benjie Tremor ay may naitalang 23 smoking in public places, 2 roaming half-naked in public places at 46 sa traffic violations.
Habang ang Galas Police Station (PS 11) ni PltCol Alex Alberto ay may naitalang 3 smoking in public places, 71 sa jaywalking, at 110 sa traffic violations.
At sa Eastwood Police Station (PS 12) sa ilalim ni PltCol Romulus Gadaoni ay may 60 naitala sa traffic violations. PAULA ANTOLIN