198K TEACHERS MAGSISILBING EB NGAYONG HALALAN

KABUUANG 197, 077 mga guro ang magsisilbi bilang mga electoral board o EB members sa halalan ngayong Lunes.

Nasa 209,922 mga guro ang sumailalim sa Certification process na isinagawa ng 389 DOST Certifiers sa buong bansa.

Iniulat ng Department of Science and Technology ( DOST) na nasa 93.88% ang passing rate sa Certification Program ngayong taon.

Lumikha ang DOST ng EB Certification Portal kung saan dito kumuha ng pagsusulit ang mga EB member online.

Nasa 176 Special Board of Elections Inspectors (SBEIs) na nakatalaga sa ibat ibang polling precincts sa Philippine Embassies at mga konsulada para sa overseas voting sa Asia Pacific, Middle East, Canada, Europe, North and Latin America at Africa ang kumuha rin ng test sa online video conferencing at face to facec hands-on examinations. Natapos ng SBEI members ang Certification process na may 100% passing rate.