19M TRAVELERS NAITALA NG PH NOONG 2024

MAHIGIT 19 million inbound at outbound travelers ang naitala ng bansa noong 2024.

Sa datos ng Bureau of Immigration (BI), kabuuang 14,540,533 pasahero ang dumating sa bansa noong nakaraang taon.

Sa naturang bilang, 7,922,052 ang Pilipino habang 6,618,481 ang foreign nationals.

Nagtala rin ito ng kabuuang 15,050,136 indibidwal na umalis ng bansa, karamihan sa kanila ay mga Pinoy na nasa 8,348,283.

Samantala, ang foreign departures ay nasa 6,701,853.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang pagtaas ng bilang ng mga biyahero ay sanhi ng muling pagkabuhay
ng international travel at ng pag-akit ng Pilipinas bilang pangunahing destinasyon, na resulta ng agresibong kampanya ng Department of Tourism na muling imbitahan ang foreign tourists sa bansa.

“These figures reflect a thriving travel industry and highlight the Philippines’ growing reputation as a global hub for tourism and business,” aniya.