19TH PRE-NEED CONSCIOUSNESS WEEK FORUM NG PFPNPCI MATAGUMPAY

Shangrila

MAKATI CITY – NAGING mata­gumpay ang katatapos na 19th Pre-Need Consciousness Week Forum ng Philippine Federation of Pre-Need Plan Companies Inc. (PFPNPCI) na dinaluhan ng 21 miyembro kasama na ang Eternal Plans, Inc.

Ginanap ang pag­­titipon sa Shang­rila Makati noong Pebrero 6 at may temang “Nagkakaisa Para sa Pamilyang Filipino”.

Binasa naman ni Deputy Commissioner Eric Balmes ang mensahe ni Insurance Commission Commissioner Dennis Funa para sa nasabing pagpupulong.

Sinabi nito na nananatiling masigla ang industriya ng seguro habang hinikayat ang 21 mi­yembro na palawakin pa ang pagseseguro sa bansa.

Kinilala rin sa forum ang pinakabagong miyembro na Primecare.

Umaasa ang bawat miyembro na maunawaan ang kahalagaan ng pagseseguro na may magandang benepisyo sa lahat lalo na’t dumaraan sa mapaghamong kalamidad gaya ng pagputok ng Taal Volcano noong Enero. EUNICE C.

Comments are closed.