1K APPLICANTS HIRED ON-THE-SPOT

JOB FAIR

MAHIGIT 1,033 na ang hired on-the-spot sa kabuuang bilang na 16,000 aplikanteng nakapagrehistro sa Build Build Build – Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (BBB TNK) Job Fair sa Araw ng Paggawa kahapon sa Kingsborough International Convention Cen­ter sa San Fernando, Pampanga.

Naghandog ng 186,261 job openings ang mahigit 1,000 pribadong kompanya para sa mga trabaho sa loob at labas ng bansa.

Ang Job Fair sa Pampanga ay kabilang sa 31 job fair na inilunsad kahapon sa iba’t ibang lugar mula Luzon hanggang Mindanao.

Ang BBB TNK Job Fair ay bahagi ng 2019 Labor Day Celebration na may temang, “Pagpupugay sa Manggagawang Filipino”, bilang pagkilala sa hindi mapapantayang kasipagan ng bawat Pinoy  sa anumang larangan ng trabaho.

Isa lamang ito sa 29 venues  para sa job-hunters  sa buong bansa  na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE)  kamakailan.

Kabilang sa mga pinagdausan ng jobs fair ay ang  Ayala Mall South Park, Muntinlupa City; Vista Mall, Tuktukan, Taguig City; at City Social Hall and Sports Complex sa Pa­rañaque City.

Nagdaos din ng jobs fair sa Northern Luzon at Baguio City High School – Main Campus; Magic Hall, Urdaneta City, Pa­ngasinan; Robinsons Ilocos Norte Activity Center, San Nicolas, Ilocos Norte; Pangasinan PESO Compound, Lingayen, Pangasinan; at Cagayan Coliseum, Tuguegarao City, Cagayan.

Comments are closed.