INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot sa mahigit 1,000 bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang naitala nila nitong buwan ng Mayo 2019.
Ayon sa DOH, sa naturang bilang ay 53 ang kumpirmadong binawian ng buhay dahil sa naturang karamdaman.
Batay sa pinakahuling ulat ng Epidemiology Bureau (EB) ng DOH, nabatid na sa nasabing buwan ay umaabot sa kabuuang 1,092 new HIV cases ang naiulat sa kanilang tanggapan, o mas mataas ng bahagya kumpara sa 950 kaso na naitala sa kahalintulad na buwan noong nakaraang taon.
Nabatid na ang 17% o 190 kaso ay may clinical manifestations ng advanced HIV infection nang ma-diagnose ito.
Nananatili ring sexual contact o pakikipagtalik ang predominant mode ng transmission na umabot sa 1,059 kaso, habang ang iba pa ay nahawa na-man ng sakit dahil sa pakikigamit ng ‘infected needles’ habang nagdo-droga na nasa 14 kaso at mother-to-child transmission na nasa anim na kaso, ha-bang hindi batid kung paano nahawa ang 13 sa kanila.
Pinakamaraming naitalang bagong kaso ng sakit sa nasabing buwan sa National Capital Region (NCR) na umabot ng 339 cases, sumunod ang Calabarzon (170 cases); Central Luzon (124 cases); Central Visayas (82 cases); at Western Visayas (79 cases). ANA ROSARIO HERNANDEZ