1K BAHAY ISINAILALIM SA GRANULAR LOCKDOWN

UMABOT na sa mahigit 1,000 kabahayan ang isinailalim ng lokal na pamahalaan ng Parañaque sa calibrated granular lockdown simula Agosto 25 dahil sa mabilis at nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Public Information Office (PIO) chief Mar Jimenez, mismong si Annex 35 Homeowners Association Romualdo Barroga ng Barangay Don Bosco ang nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at sinabing ang kanyang komunidad na may 1,000 kabahayan ay mayroon ng mga kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Jimenez, minomonitor ang Annex 35 Barangay Don Bosco na isinailalim sa 14-araw na granular at calibrated lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa naturing lugar.

Sa unang apat na araw ng pagsasailalim ng 14-day lockdown sa nabanggit na lugar, magsasagawa ang City Health Office (CHO) ng contact tracing pati na rin ang mass swabbing sa mga residente ng naturang village habang ang mga magnenegatibo naman sa resulta ng swab test na mga residente ay agad na bibigyan ng bakuna.

Sa mga magpopositibo naman, agad din itong dadalhin sa isolation facility ng lungsod para patuloy na masubaybayan ang kondisyon nito.

Magsagawa rin ng distribusyon ng food packs ang lokal na pamahalaan kahapon para sa mga naapektuhan na pamilya sa pagsasailalim ng granular at calibrated lockdown. MARIVIC FERNANDEZ

9 thoughts on “1K BAHAY ISINAILALIM SA GRANULAR LOCKDOWN”

  1. 477901 110771Hello there, just became alert to your blog by means of Google, and located that its actually informative. Im going to watch out for brussels. I will appreciate in case you continue this in future. A lot of individuals will be benefited from your writing. Cheers! 588573

  2. 796221 135419Does your weblog have a contact page? Im having a tough time locating it but, Id like to send you an e-mail. Ive got some suggestions for your blog you might be interested in hearing. Either way, great website and I look forward to seeing it expand over time. 228678

Comments are closed.