MAHIGIT 1,000 heinous crime convicts na napalaya sa ilalim ng bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law ang sumuko na sa awtoridad.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Markk Perete nasa kabuuang bilang na 1,025 convicts na ang kusang sumuko hanggang nitong Miyerkoles.
Magpapadala sila ng bagong listahan ng mga napalayang convicts sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang maging guide sa muling pag-aresto sa mga convict na hindi pa rin sumusuko sa loob ng itinakdang 15-day deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa 1,914 heinous crime convicts ang nasa orihinal na listahan ng BuCor ngunit kinakitaan ng mga error na kinalauna’y in-aming minadali lamang ang paggawa nito.
Paglilinaw pa ni Perete, hindi na nila isasama sa bagong listahan na kanilang gagawin ang pangalan ng mga napalayang convicts na sumuko na sa awtoridad.
Dakong 11:59 kamakalawa ng gabi ang huling sandali na ibinigay ng DOJ sa mga mga convict.
Kasunod nito ay inalerto ng DILG ang lahat ng unit ng Philippine National Police sa malawakang manhunt operation na ilulunsad laban sa mga napalayang convict na nabigong sumunod sa 15 day deadline ng pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon sa naman sa pamunuan ng PNP, matapos ang nasabing oras, magiging epektibo na ang muling pag-aresto sa mga nasabing convict. VERLIN RUIZ
Comments are closed.