BENGUET – UMABOT sa 1000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lalawigang ito noong Miyerkules ng hatinggabi.
Ayon sa Benguet provincial health office, bukod sa 1000 confirmed cases ng COVID-19 ay may 42 pa na kaso ng virus habang 60 ang suspected cases kung saan aabot naman sa 485 ang nakarekober.
Kabilang sa mga naitalang bagong kaso, 22 ang mula sa bayan ng Tuba, 17 sa Itogon, 2 sa La Trinidad, at isa sa bayan ng Kabayan.
Naitala rin ng Benguet PHO na isang COVID-19 patient mula sa bayan ng Itogon ang namatay kung saan nasa 13 ang namamatay sa virus.
Base sa tala, umabot sa 93 kaso ng COVID-19 sa Benguet ang naitala sa loob lamang ng isang araw kung saan ang 74 pasyente ay mulasa bayan ng Itogon na karamihan ay mga minero.
Kasalukuyang nakipag-ugnayan na si Benguet Governor Melchor Diclas sa medical authorities mula sa provincial health office (PHO), Benguet General Hospital (BeGH), at sa ibat ibang district hospitals sa Benguet upang matugunan ang isyu sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lalawigan. MHAR BASCO
Comments are closed.