MAHIGIT 1,000 lalaking preso sa Manila City Jail ang dinapuan ng tuberculosis, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Gayunpaman, tiniyak ni BJMP National Capital Region (NCR) spokesperson Midzfar Omar na inihiwalay na nila ang mga person deprived of liberty (PDLs) upang hindi na makahawa pa.
Habang mayroon pang 200 PDLs ang naghihintay ng resulta ng kanilang confirmatory tests.
Sa datos ng BJMP, mayroong 5,000 PDLs sa MCJ’s male dormitory.
Una nang sinabi ng BJMP-NCR na mahigit 100 prisoners sa Pasay City Jail ang ibinukod dahil sa pinaniniwalaang infected ng pulmonary tuberculosis.
Sinabi naman ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclag na ang naiulat na 200 pulmonary tuberculosis cases sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ay mga “usual” number ng TB cases sa pasilidad.
Tiniyak naman nito na walang outbreak ng TB sa national penitentiary at kanila nang inaaskikato na gumaling ang mga TB patient kahit pa noong nasa kasagsagsan ng coronavirus pandemic. EC