1K PINOY SASALANG SA TRIAL NG SPUTNIK V

clinical trials

NASA 1,000 Filipino ang maaring lumahok sa clinical trials sa Filipinas para sa Russian COVID-19 vaccine na tinaguriang Sputnik V.

Inaasahang magsisimula sa mga susunod na buwan ang trials sa bagong naimbentong vaccine ng Russia, ayon sa Department of Science and Technology (DOST) na nakipagpulong sa mga Russian researcher,

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque. mula Oktubre hanggang Marso ng susunod na taon ay magkakaroon ng clinical trial phase 3. “Simultaneous po ‘yan sa Russia at Pilipinas (sic),” anang tagapagsalita.

Ayon kay  Dr. Jaime Montoya, executive director ng DOST council for health research and development. kung mapapag-aaralan nang sapat ang data ng Russia mula phase 1 at phase 2 na nagpapatunzy na epektibo iyo, mga buwan ng Setyembre ay maari nang is agawa ang trial sa Filipinas.

Ipinaliwanag na para  masigurong ligtas ang isang bakuna, dapat itong idaan sa iba’t ibang test.

Bukod sa Filipinas, maaaring isagawa rin ang phase 3 trials sa Brazil, Saudi Arabia at United Arab Emirates.

Comments are closed.