CENTRAL LUZON- MAHIGIT 1,000 unipormadong pulis ang ikakalat hindi lamang sa Bulacan kundi sa buong Gitnang Luzon ngayon mahal na araw bilang pagapapatupad ng kaligtasan ng publiko ngayon summer holiday season na tinawag na “Ligtas SUMVAC(Summer Vacation) 2022” partikular sa kahabaan ng North Luzon Expressway at Mac-Arthur Highway para maproteksiyunan ang mga magbabakasyon patungong Norte laban sa masasamang-loob.
Ito ang ibinabang direktiba ni Brig.Gen.Matthew P. Baccay,Regional Director ng Police Regional Office 3(PRO3) sa lahat ng City at Provincial Director mula sa ibat-ibang Police Provincial office upang matiyak ng pulisya sa buong rehiyon ang kaligtasan at seguridad ng mga bibiyaheng motorista at publiko ngayong Semana Santa.
Idinagdag pa ng opisyal na mula Abril 1 ay nakapagpakalat na sila ng mahigit 1,000 police personnel sa rehiyon na nasasakupan gaya ng Bulacan, Pampanga, Bataan, Tarlac, Zambalez, Aurora at Nueva Ecija.
“I gave directives to all City/Provincial Directors from the different Police Provincial/City Police Offices to ensure the safe and secure travel of motorists and commuters this coming Lenten Season and summer vacation. As a matter of fact, we have already deployed more than 1K personnel regionwide on April 1,” ani Baccay.
Binigyan-diin pa ng opisyal na pinalakas ang presensiya ng mga pulis sa rehiyon sa pamamagitan ng foot at mobile patrol at pagtatatag ng mga Police Assistance Desks /Centers (PAD/PACs) bukod pa rito ang mga ikinalat na road safety marshals sa mga maistatehiyang lugar at sa mga vital installation tulad ng bus terminals, airport, seaports at maging sa mga recreation areas kabilang na ang highway, pangunahing lansangan at maging ang crime prone areas para masiguro ang maximum police presence sa nasabing mga lugar.
Inatasan din nito ang lahat ng mga police commander para makipag-koordinasyon sa mga local government units (LGU), non-government organization (NGOs)at iba pang goverment entities at volunteers groups sa pagtatayo ng mga PADs/PACs at para sa pagpapakalat ng Road Safety Marshal para matiyak ang kaligtasan at mabilis na maasistihan ang mga motorista at magbabakasyon patungong Norte.
“We have also solicited the support of our force multipliers and auxiliary forces to include our BPATs (Barangay Peacekeeping Action Teams) and Radio net groups to help us ensure public safety since criminal elements may take advantage of people converging in places such as beach and other tourist destinations for relaxation and recreation,”dagdag pa ni Baccay.
“I am calling for the cooperation of the public to prevent any crime in the community by providing authorities relevant and timely information through PRO3 hotline 0998-5985330/ 0917- 5562597 and social media (facebook account: www.facebook.com/ Police Regional Office 3),” pagtatapos pa ng opisyal.
Ang ” Ligtas SUMVAC 2022″ ay epektibo mula Abril 1 hanggang sa Mayo 31. MARIVIC RAGUDOS