BULACAN- TUMANGGAP ang 1,000 residente ng Paombong, Bulacan ng mga sako ng premium rice mula sa nakumpiskang smuggled rice ng Bureau of Customs (BOC).
Ang ipinamahaging bigas ay donasyong ng BOC sa Department of Social Welfare and Development na pinangunahan ni Secretary Rex Gatchalian kahapon sa Paombong Municipal Court , Bulacan.
Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng 25 kilong sako ng bigas na bahagi ng smuggled rice na nasabat ng BOC sa Zamboanga City noong Mayo at kalaunan ay naibigay sa DSWD para ipamahagi sa mahihirap na kabahayan.
Patuloy na ipamamahagi ang mga bigas ng ahensiya sa pagsisikap ng gobyerno na mabigyan ng sapat na suplay ng pagkain ang bawat Pilipino. PAULA ANTOLIN