INIHAYAG ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral na magpapakat sila ng may 1,000 personnel upang tumulong sa brigada eskwela ng Department of Education (DePeD).
Ayon kay Iral, kaniyang patutulungin ang mga ito para sa pagsasagawa ng cleanup drives at volunteer works para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22.
Nabatid na nakagawian na ng BJMP ang sumuporta sa DepED partikular sa tuwing idaraos ang Brigada Eskwela.
Ang Brigada Eskwela ngayong taon na may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral” ay nagsimula nitong Agosto 1 at tatagal hanggang 26.
Una nang inatasan ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang Local Government Unit (LGUs) na tumulong sa paghahanda ng mga paaralan para sa pagbubukas ng school year 2022-2023.
EVELYN GARCIA