1M OFWs NATULUNGAN NG OWWA

NASA mahigit isang milyong overseas Filipino workers (OFWs) ang natulungan na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ito’y matapos mawalan ng trabaho ang OFWs dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay OWWA chief Hans Cacdac, papalo na sa 1,030,344 returned OFWs ang nabigyan na ng tulong ng gobyerno.

Kasama sa tulong na ito ang pagkain, quarantine accomodation at transportasyon.

Bukod dito, bibigyan din ng P10,000 cash assistance ang mga apektadong OFW sa ilalim ng Abot Kamay Ang Pagtulong (AKAP) program ng Department of Labor and Employment (DOLE). DWIZ 882