(1M residente apektado) P5.9-B ARI-ARIAN WINASAK NI EGAY

NASA 16 katao na ang kumpirmadong nasawi habang umakyat naman sa P5.9 bilyon ang halaga ng mga ari-ariang winasak ng Bagyong Egay partikular sa Northern Luzon.

Ayon sa National Disaster Risk reduction Management Council (NDRRMC) nasa P4.4 bilyon ang naitalang danyos sa imprastraktura habang sa kanilang latest situation report ay umakyat naman sa P1.5 bilyon ang sinira ng bagyo.

Samantala, umakyat naman ang death toll mula sa pinagsanib na epekto ng TY Egay at southwest monsoon (habagat) sa 16, bukod sa 52 sugatan at 20 missing.

Habang mahigit isang milyong residente ang naapektuhan ng mga pag-ulan mula sa 13 rehiyon ng Pilipinas.

Lumilitaw din na lubhang mahalaga ang naging role ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para hindi gaanong maramdaman ang pinsala ng bagyo dahil agad nilang natutukan sa maagap na pag preposition ng relief supplies at asset sa mga lalawigan na inaasahang masasapol ng bagyo bago pa ito mag-landfall.

Ayon kay AFP chief of staff General Romeo Brawner na bago pa dumating ang bagyo ay nakikipagtulungan na sila sa mga local government unit para mailikas ang mga tao na nasa mapanganib na lugar.

“Kaya’t yung casualties po natin are very limited, aside from this po yung ating phil air force at yung ating phil navy ay nagdala rin ng mga relief goods, nag preposition po tayo ng mga relief goods lalong na po sa batanes, so, kaya po nung dumating itong bagyo ay hindi talaga tayo masyadong naapektuhan , ani Gen. Brawner sa isang panayam.

At dahil naroon na ang relief goods, na preposition na rin ang mga assets at nailikas na ang mga tao sa evacuation centers nang dumating ang bagyo ay sumentro na ang frontliners na mga sundalo ng AFP sa rescue and retrieval operations. VERLIN RUIZ